agalaxyna:
Bumitaw ka na kung alam mo naman na walang patutunguhan. Kung alam mo naman na masasaktan ka lang. Hindi naman masamang sumuko kahit paminsan. Tao ka, napapagod ka rin. Nasasaktan ka rin. At dadating ka sa punto na masasabi mo sa sarili mo na: “Tama na! Ang sakit na!” ‘Wag mo na hintayin yung araw na lalo ka pang masaktan ng dahil sa kanya. Dahil ‘pag mas malalim ang sugat, mas mahirap itong humilom.